MULING IBALIK ANG KAPANAHUNAN NG GANITONG LINYA.
LIGO NA U, LAPIT NA ME. wag kang magtaka, hindi ito kasama sa pag-aalsa ng mga jejemon. Napaisip ka bakit tagalog. HELLO? suportahan natin ang SKF. Baka maisipan akong singilin ni Gia sa class shirt na hanggang ngayon ay hindi ko pa nababayaran. Panalo. Si Gia ay officer sa SKF, share ko yan. Nasabi sakin nila Debbie at Kit na nanood sila sa CCP. Pinanood nila ang Babae sa Septik Tank, Rakenrol, at LIGO NA U LAPIT NA ME. Sayang di ako nakasama. Haaaay. Naalala ko tuloy nung nanood ako ng indi film. TENTENENEN--> TARIMA. Hindi ko kinaya. Oo, it's for the sake of art. Pero yung tarima, ibang level. try niyo. ewan ko nalang ko ma-bore kayo sa halikang Fanny Serrano at boyfriend ni Eula Valdez. Mas intense pag katabi mo magulang mo.
MAGLALAGAY SANA AKO NG SCREEN SHOT. KASO BAKA MA-MTRCB AKO.
Anong petsa na ba ngayon? Tanong na lagi kong tinatanong (labo) bago mag-exam. Kakabili ko lang ng libro na 'to. Siguro tatlong araw palang ang nakakaraan. Hindi ko mabitawan to. Sayang, matatapos ko na sana kaso naiwan ko. Habang binabasa ko, mas gusto ko na tuloy mapanood yung pelikula version.. The best ka Eros S. Atalia. Kakaibang magsulat. Palakpakan.
SABI NI KEVIN CARTAAA: "Si Anne Curtis ba yan?"
PAKI BASA: PAREHAS BA TAYO NG INIISIP. DA WHAT DA WHAT. ANONG UNIBERSIDAD KAYA ITO. Itago nalang natin sa pangalang ( feeling blind item lang). HAHAHAHA
0 comments:
Post a Comment